I will empower selected orations I posted here in my blog to be more effective for those people have a conscience and morally upright. These are the following:
-Love Nostrum of Child Jesus
-Poder Divino
-Sator Invocation
-Healing Orasyon of Holy Child Jesus
10 comments:
salamat po,....
Kapatid, hindi namin layunin na sirain ang reputasyon, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa, kundi ang maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng katotohanan na masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Banal na Biblia).
Tungkol sa kinahihiligan mong gawain ay may mariing tagubilin at kautusan ang Ama nating nasa langit, na sinasabi,
DEUT 18 :
9 When you come into the land which the LORD your God is giving you, you shall not learn to follow the abominations of those nations.
10 "There shall not be found among you [anyone] who MAKES HIS SON OR HIS DAUGHTER PASS THROUGH THE FIRE, [or one] who practices WITCHCRAFT, [or] a SOOTHSAYER, or one who interprets OMENS, or a SORCERER,
11 "or one who CONJURES SPELLS, or a MEDIUM, or a SPIRITIST, or one who CALLS UP THE DEAD.
12 "For all who do these things [are] an ABOMINATION to the LORD, and because of these abominations the LORD your God drives them out from before you.
ISA 24:
5 The earth is also defiled under its inhabitants, Because they have TRANSGRESSED THE LAWS, CHARGED THE ORDINANCE, BROKEN THE EVERLASTING COVENANT.
ISA 47 :
14 Behold, they shall be as stubble, THE FIRE SHALL BURN THEN, THEY WILL NOT DELIVER THEMSELVES FROM THE POWER OF THE FLAME, [It shall] nor [be] a coal to be warmed by, [Nor] a fire to sit before!
Ang kabawalan at kautusan ng Ama nating nasa langit tungkol sa ganyang karumaldumal na mga gawa ay ipinaabot na namin sa iyo, at alam mo na rin ang kaukulang parusa sa iyo kung hindi mo ititigil iyan.
Sundin mo sana ang sa iyo ngayo'y iniuutos ng Ama nating nasa langit.
Para sa mga katiwatiwalang katunayang biglikal hinggil sa usaping ito ay mangyaring paroonan mo ang, http://kamalayangyohvshva.blogspot.com/2011/12/occult.html#more
Malaki ang maitutulong ng blog na ito sa kapakanann ng ating kaluluwa. Follower din ako ng RAYOS NG LIWANAG.
Bago ang lahat ay malugod naming binabati ng manigong bagong taon ang kabuoang bumabalangkas ng blog na ito. Lubos din naming pinasasalamatan ang pagbibigay ninyo ng comment sa artikulo na pinamagatang "Orasyon" ng RAYOS NG LIWANAG.
Ang inyong lingkod Yohvsva bar Yusuf ang isa sa pagtungot nitong RAYOS NG LIWANAG na naglalathala ng mga kaukulang artikulo tunkol sa kabanalang sinasang-ayunang lubos ng mga balumbon nitong banal na kalsulatan (Biblia).
Tungkol sa usapin ay pinasasalamatan namin ang pagbibigay ninyo ng diin, na karamihan ng mga orasyon ay maka-kaliwa, na kung lilinawin ay sa panig ng masama, o ng diyablo. Kaya naman nagtumibay sa amin, na kung bakit mahigpit na ipinagbawal ng Dios ang mga gawang may ganap na kaugnayan sa okultismo sa Deut 18:9-12 ay upang huwag malulong ang marami sa gayong mga karumaldumal.
Hindi namin pinalalabas na ang mga hawak ninyong orasyon ay inaari ng masama (kaliwang fuerza), kundi kami ay tagagpapa-alala lamang sa marami na iwasan ang mga gawang hayagang ibinabawal ng Ama nating nasa langit.
Sa kadahilanang yao'y nararapat na, kung ano ang utos ay siyang sunod ng mga tao. Kaya pagdating sa mga kautusan ay higit na makabubuti na ito'y sundin alinsunod sa pagkasabi. Sapagka't walang anomang mababasa sa banal ng kasulatan, tungkol sa mga orasyong di umano'y nararapat sambitin ng mga lingkod ng Dios. Bagkus ang pag-iingat sa mga ito ay mahigpit na ipinagbabawal ng Ama nating nasa langit sa lahat ng tao sa kalupaan.
Lumalangkap sa kabuoan ng isang banal ang Espiritu ng Dios at siya ang gumagawa ng kaniyang mga gawa, samantalang ang katawan ay masiglang gumagalaw alinsunod sa kalooban ng Espiritung banal na namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban. Kaya saan man at kailan ma'y hindi natin kailangan ang orasyon, kundi ang presensiya ng Espiritu ng Dios sa ating kalooban at kabuoan. Siya ang magsasalita at gagawa ng mga dakila niyang mga gawa.
Bilang mga kapatid sa iisang Ama na nasa langit ay tungkulin at layunin namin na ilahad ang katotohanang sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal sa inyo.
Gayon ma'y malaya pa rin nyong gawin ang anoman ninyong ibigin. Ang mahalaga ay naipaabot na namin sa inyo ang mahihigpit na kautusan hinggil sa kina-aaliwan ninyong gawain.
Bilang karagdagan, itong si Jesus ay inaring hindi mabuti ang pagbigkas ng mga orasyon na paulit-ulit. Na sinasabi,
MAT 6 :
7 At SA PANANALANGIN NINYO AY HUWAG NINYONG GAMITIN ANG WALANG KABULUHANG PAULIT-ULIT, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka’t iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.
8 Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka’t TALASTAS NG INYONG AMA ANG MGA BAGAY NA INYONG KINAKAILANGAN, BAGO NINYO HINGIN SA KANIYA.
May mga pangungusap sa Biblia na literal na pag-uukulan ng pansin at gayon din namang mayroong mga salita na naglalaman ng higit na malalim na kahulugan. Pagdating sa kautusan ay nararapat na ang mga ito ay sundin alinsunod sa payak na paraan ng pagkasabi.
Kahi man sabihin ng marami na ang nabanggit na kautusan ay utos lamang sa mga anak ni Israel, ay hindi ito dahilan upang kumawala sa bigkis nito. Sapagka't katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat na tayo ay mga anak ng Dios, at ang utos ay katotohanan na ukol sa lahat ng mga anak ng Dios.
Patuloy nawang dumalo'y sa atin ang masaganang biyayang tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Ang utos na sinasibi nyo ay hindi sa Diyos.. basta nabasa na ng Bibliya nyo inutos ng Diyos sa inyo? Tandaan nyo kapag sinabi na utos ng Diyos at inangkin nyo nangangahulugan personal nyo nakausap ang Diyos ng harap-harapan na tulad ng pangyayari sa mga propeta at apostoles sa kapanaunan ng Bibliya.. Pero kung yan lang dahil binasa lang ninyo at naimpluwensyahan lang kayo ng aral mula sa nilimbag na kasulutan na hindi naman nyo nasaksihan ay hindi maaari angkinin na kautusan ng Diyos. Nagiging model o adoption lang ang kasulatan para maging daan sa moral value ng buhay ng tao at pagkilala na may Diyos na iisang tunay.
Ang ipino post ko rito ay hindi intensyon makapanakit ng tao o anumang nilalang na gawa ng Diyos upang magamit na pantulong sa oras ng pangangailangan ng tao sa paraan esoterico.
Kahit sabihin din natin ang Bibliya rin ay pwede gamitin sa masama the same din na hinuhusgahan nyo sa mga orasyones at karunungan lihim.
Andami sekta na aral dyan para ikalakal at lokohin rin ang tao. Andami dyan dahil sa aral at utos dyan nag-aaway at nagpapatayan pa kahit kapwa sila Kristiyano.
Di ba rin nagagamit din sa masama ang pinaglalandakan nyo na banal na kasulatan?
Kaya naman pala mahigpit ang pagkakagapos mo sa larangan ng karumaldumal na okultismo ay nang dahil sa isa ka sa mga tao na tumatakuwil sa mga nilalaman ng luma at bagong tipan ng biblia.
Sa pagtatapos nito'y ano naman ang katiyakan mo sa mga orasyon na pinanghahawakan mo. Ang mga yaon ba'y mga orasyong personal na winika sa iyo mismo ng Dios upang ito'y tindigan mo ng matibay? O, gaya ka rin ng iba na namulot lamang nito sa mga nalathalang aklat ng di katiwatiwalang karunungang lihim.
Tiyak kong tumatakuwil ka rin sa sampung utos ng Dios, at sa makatuwid ba'y hindi rin ito sa Dios, at pagdidiin mo'y gawa lamang ng tao ang lahat ng iyon. Kaya basura lamang ang tingin mo rito at hindi mo sinunod.
Mapalad ka kapatid at dumating ang tapik na ito sa iyong balikat, at nawa sana ay bagbagin nito ang iyong puso at isipan, upang hanggang maaga pa ay bigyang halaga mo ang mga minor at mayor na kautusan ng Dios na masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (biblia).
Hindi nyo ko madadala sa mga nabasa nyo lang na hindi nyo kailanman nasaksihan nuong unang panahon, tulad rin kayo ng iba sekta nakasalalay sa bulag ang pananampalataya, pinagtatagpi at pinagpuputol ang mga sitas ng bibliya kaya nawawalan ang kahulugan at saysay ang orihinal ng kabuhuan ng istorya.
Sapagkat nakapanayam ko ang isang matanda na mismo ang DIYOS AMA ang nakaharap nya at nakausap at kaya nyang PANINDIGAN AT PATOTOHANAN ANG KANYANG NASAKSIHAN. At lininyada ako sa Diyos Ama bilang saksi nya sa sinugo nyang matanda.
Sino ang bulag, yun bang umaayon sa aral ng dios sa Bibliya, o ikaw na ibinabasura ang utos ng Dios na nasusulat sa bibliya? Kung totoong sumasa-Dios ang hawak mo ay dapat natutunan mo na ang kautusan ng Dios ay hindi lamang sa iisa kundi sa lahat ng tao, at kasama ka utos na iyon. Kaya huwag kang magpalalo sa iyong nalalaman. Kasuklamsuklam iyang ginagawa mo sa paningin ng Dios. Kung sa totoo ang nasaksihan ng matanda mong ipinagmamalaki ay dapat sana nasabi na niya sa iyo na ang iyong ginagawa ay hindi umaayon sa kalooban ng Dios na Ama ng lahat ng kaluluwa. Ikaw pala e mahilig magpaniwala sa mga tsismis. Kuwento lang naniwala ka na? Yun pang laman ng bibliya ang ibinasura mo? Nakakatawa at nakaka-awa ang kalagayan mo sa inaasal mong iyan. Kung magsalita ka tila una ka pa sa Tanak. Reaksiyon ko lang ito sa pangbabastos mo sa nilalaman ng biblia.
pasintabi lang po..
sa mga nangangaral dito sa mga kumento dito,
nasubukan mo na ba mangaral sa mga muslim? sa mga agnostic na talagang papatay ng tao dahil sa kanilang pananampalataya? nahikayat nyo na ba sila??
kaya tayo nabigyan ng pananampalataya ay dahil sa sariling pag-iisip at freewill to decide kung sino ba talaga ang dapat paniwalaan.
hindi mo (at kahit sino man sa atin) mababago ito.. subukan mong pangaralan ang bata, ituro mo ang kasaysayan at agham, pero nasa kanya pa din kung dapat ka bang paniwalaan..
at isa pati, para hindi mabastos ang bibliya, ingatan na lang ninyo.. walang pinagkaiba iyon sa taong nagsuot nang maikling damit, kapag nabastos na, siya pa ang galit..
kaya ka-fuerzadivino, walang masama sa ginagawa mo, kung gusto nila ng impormasyon, orasyon, at sa lahat, nasa sa'yo iyon kung ibibigay mo, makatulong ka lang sa iba. pax
Post a Comment